deathbed
Wednesday, February 20, 2008
i just said goodbye to someone really important to me. and it is really hard... but satisfying in the end. he is dead. i just buried him ten feet off the ground. i remembered putting hazelnut chocolates, canonballs and .... along with his bloody corpse. and as i bade goodbye, i threw violet roses on top of his chest. i buried him. i buried. him.
no tears fell from my already swollen eyes. no smile slipped from my dried lips. there was triumph. sadness. regret. happiness. but there were no tears. no smile. just emptiness.
he already departed.
but i stayed. here. empty.
hoping someone would fill what is. missing.
Labels: departed
Haizell
6:32 AM
iiwan.
Thursday, December 27, 2007
isang txt message ung na-receive ko galing sa isang friend - kelangan daw i-repeat ang isang action 18 times before xa maging habit.
sabe ko sa sarili ko, kelangan ko nang mag-move on sa mga bagay na hindi ko na kayang isama sa pagkatao ko pagdating ng january 1, 2008. sabe ko sa sarili ko, may mga bagay na kelangan ko na'ng iwanan sa december 31 at balikan ko man, titingnan ko lamang, muling sasariwain, ngunit hindi na muling bibitbitin.
may mga bagay na ang hirap ipaliwanag. may mga bagay nga na hindi na kailangang ipaliwanag upang masabi ko na hindi ko na sila nais dalhin sa pagpasok ng bagong taon. pero iyon ang kailangan ko upang maiwan ko sila. kailangan ko ng paliwanag. kailangan ko ng dahilan.
isang tao ang nais kong iwan sa nakaraan. hindi ko siya itatakwil o lalayuan, ngunit iiwan ko ang ilang mga bagay na naibigay niya sa akin mula noong araw na kami ay nagkakilala. itong mga bagay na ito ay hindi basura. hindi ito parang balat ng burger mcdo na matapos maubos ang burger, itatapon na lamang ang pabalat na nagbigay ng proteksyon at kanlungan dito. bagkus, ito ay isang mahalagang bagay, maaaring kayamanan, maaaring kaligayahan, maaaring karunungan... ngunit kailangan kong iwan dahil sa likod ng kahalagahan nito sa buhay ko, doon sa hindi nakikita ng tao, 'ni siya ay hindi niya nakikita, nandon ang sakit na naiuudulot nito - isang sakit na ang tanging lunas na nakikita ko ay ang pag-iwan sa mga bagay na ito sa mga huling araw ng taong ito.
isang parte ng sarili ko ang iiwan ko rin sa taong ito. ang parteng iyon ay mananatiling misteryo maging sa akin. ang parteng ito kahit hindi ko matukoy kung ano ay iiwan kong ligtas sa pagtatapos ng taon. marahil sa pagpasok ko sa bagong yugto ng buhay ko, hindi ko na ito kailangan. sa pagpasok ng bagong taon, marahil isang ako ang makikilala ko, at makikilala ninyo.
isang bagong karunungan ang iiwan ko sa taong ito. iyon ay karunungan na hindi ko natutunan sa kahit anong libro o kahit anong turo ng guro. iyon ay karunungang nakita ko sa mundo, nakita ko sa taong nakakasalamuha ko, nakita ko sa ateneo. akala ko, alam ko na 'yon. akala ko hindi na kailangang makita ng dalawa kong mata para matuto ako. ngayong alam ko na, gusto ko itong iwan dahil nais ko sa bawat araw na darating, muli ko itong makita at ma-experience nang parang hindi ko ito nalalaman pa, nang parang bago muli.
ilang alaala rin ang iiwan ko. hindi ito posible, alam ko, dahil isa itong alaala. ngunit masabi ko lang sa sarili ko na iiwan ko ito, maaaring pagdating ng panahon, ang alaalang ito ay hindi na laging babalik sa gunita ko. ang alaalang ito ay magkahalong saya at lungkot, saya at sakit, saya at galit, saya at pagsisisi. iiwan ko ang mga 'to kasi kailangan kong umusad. patuloy akong naglalakad ngunit naiiwan ang diwa ko kasama ang mga alaalang ito. iiwan ko sila dahil nais ko itong maisama sa nakaraan at mabuhay ngayon sa kasalukuyan.
[binabalinguynguy ka na ba? frend pasenxa na... pagkina-career ko kasi tsaka kapag, you know, striaght from the heart, hayan ang nangyayari... tsaka hindi na ako under time pressure... nag-improve na ako... pa-surf surf na ang drama ko... haha! thank you to my sponsors and my beneficiaries and my parents! tinatamad ka na siguro... sige kuwentuhan na lang kita:
ichichismis ko na lang sayo ang cheberloo ngayon:
alam mo ba na itong si britney spears na favorite ng mga paparazzis ay nahuling may ka-holding hand na paparazzi noong pumunta sila sa isang convenient store? da ber?! and she's like talking in british accent! tinalo ako ng lola!
anyway balik na tayo sa ating mga lives...]
iiwan ko na ang mga ito sa pagtatapos ng taon.
at 18 times ko sasabihin sa sarili ko na iiwan ko sila kasama ng mga araw na unti-unting kinakain na ng nakaraan.
"i am over and done with all the things that need to be dismissed before the year ends."
Haizell
4:21 AM
life lesson #1: caroling
Tuesday, December 25, 2007
sa loob ng tatlong linggo, kasama ang ilang mga friendships mula sa Gabay, binaybay namin ang ilang karatig bayan at lungsod ng Quezon City upang ipahayag at iparamdam ang diwa ng pasko sa pamamagitan ng pagkanta - in short, nag-CAROLING kame!!!
para sa iba, kapag nasabi mong caroling, naiisip nila ang mga batang maliliit na may dalang lata (as tambol), bracelet ng pinitpit na tansan (ung tunog nia parang mini cymbals) at ilang all-time-favorites-na-hindi-na-yata-mapapalitan-eber na christmas songs na kumakanta sa kanilang mga kapitbahay upang makahingi ng konting barya o regalo o kendi. although mga babyface kame, bitbit kame ng jeep ni Mang Noel sa mga contacts na ine0expect na kameng darating sa mga bahay nila kahit pa alas-dos na ng madaling araw.
isang sucess ang caroling namin this year. bukod sa nataasan namin ang kinita last year, marami akong na-experience at natutunang mga bagay na hinding-hindi mapapalitan ng pagod, puyat (the eyebags!!!) at pera...
masayang magtaya. bilang isang chemistry major, hindi madaling pagsabayin ang acads at ang paghe-head ng caroling (plus paghe-head pa ng christmas party ng aches). kadalasan, gabi na kame nakauuwi sa dorm upang simulan naman ang aming homeworks at readings. pressure talaga ang sort-of-requirement na present ako sa bawat caroling practice dahil ako ang nakakaalam ng pagigitara ng ilang mga caroling songs. minsan nga pinagsasabay ko na: habang break binubuklat ko ang readings ko sa theology upang mabawasan naman kahit papaano ang gagawin ko pagdating sa dorm. minsan din hindi ko na maitago sa sarili ko lang ang "worries" ko. minsan parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko sa sobrang pag-aalala na baka napapabayaan ko na ang acads ko. pero nandun pa rin ako. habang nagpapatuloy ang mga caroling practices, natutunan kong i-enjoy na lang ang pagpapa-practice, hindi pa mukhang stressed ang pretty face ko! che!
nang magsimula ang caroling nights, nasakripisyo na rin ang aking lingguhang pag-uwe sa bahay namin. hindi ako umuwe sa loob ng tatlong linggo (which is one of the longest na hindi pag-uwe sa binangonan) upang makasama sa caroling nights tuwing sabado. minsan naiisip ko kung tama ba talaga ang pinili kong gawin? tama ba talaga ang magtaya kahit masakripisyo na makasama ko ang pamilya ko? minsan nakokonsensya ako. pero nandun pa rin ako: nakaupo sa jeep ni Mang Noel kasama ng ilang Gabayano, nagtatawanan at nagkukwentuhan habang naghihintay na muling makakanta at makakain (ehem ehem!) sa susunod na contact. sa tuwing naiisip ko ang mga tanong na gumugulo sa isip ko, isa lang naman pala ang sagot sa mga ito: kumakanta ako hindi lamang para sa mga contacts, para ma-fulfill ang responsibilidad na inako ko, para sa mga gabayano, para kay marc, para sa mga elementary kids ng proj 3 elementary school at balanti elementary school, kundi para na rin sa pamilya ko at sa sarili ko.
dahil sa caroling nights at practices, lagi akong gabi matulog. kung maitatanong mo sa mga kasama ko sa dorm, sobrang important para sa ken ng atleast 6 hours of sleep. nagpapanic ako tuwing umaga sa tuwing makikita ko ang maiitim na bakas ng puyat sa mga mata ko: the eyebags!!! dahil nga hindi ako makabangon ng 6 am para sa unang class ko, sa loob ng tatlong linggo, 4 na beses akong nag-cut ng 7:30 class ko. at kung minsan nga, nadamay na rin ang 8:30 class ko dahil sa mahabang sesyon ko ng paulit-ulit na pagbangon-at-muling-pagtulog-dahil-nang-aakit-ang-kama-na-muling-matulog. pero nandun pa rin ako sa mga caroling nights. iniisip ko na lang na sa christmas vacation, gagwin kong hobby ang pagtulog (haha! matutulog ako! matutulog ako! tapos matutulog ako ulit!)
at kahit sobrang dedicated ako na hindi kumain after 10pm, pinipili kong kumain ng mga handa ng aming mga contacts. batid ko sa itsura ng barbeque, pancit, cake, oreo cookies, burger, baked macaroni, etc. na masarap sila at hindi ako magdadalawang-isip na hindi kumaen. pero kahit im body concious (you know, the figure and stuff...), patuloy akong kumakaen upang maipakita sa mga contacts ang aking appreciation sa paghahanda nila. minsan nga nakakadalawang balik pa ako sa hapag-kainan at sa tuwing gagawen ko iyon, nafi-feel ko na nasisiyahan sila, kaya may ikatlo pang balik... kahit nasasakripisyo ang figure ko, nandun pa rin ako, kumakanta at kumakaen...
masarap makikilala ang mga Gabayano. nakikilala ko ang ilang mga kasama ko sa pagka-caroling. nakikita ko kung sino iyong para pa ring bata, iyong malambing sa mga kasama, iyong gentlemen, iyong maaalalahanin, iyong magagaling kumanta, iyong antukin, iyong game sa lahat, iyong joker, iyong parang tomboy, iyong friendly pala hindi ko lang napapansin, iyong may pagka-flirt pala, iyong kahit late na hahabol pa rin, iyong sobrang nakaka-appreciate ng ginagawa mo, iyong nag-eefort talaga, iyong masayahin pala, iyong parang bakla, iyong pinapakita kung sino siya talaga... nakilala ko sila through caroling... marahil hindi ko sila nakilala nang ganito kung nasa dorm ako habang gumagawa ng homeworks at nagbabasa ng readings...
masarap kumanta nang nafi-feel ang kinanta. kung alam mo lang... masarap kumanta nang walang inaalala o iniisip maliban sa kinakanta mo... masarap pumikit at iwan ang mundo kasama ang mga nota at lyrics ng kanta... akala nung iba medjo OA siya, na minsan pinagkakatuwaan pa... pero masarap... masaya...
fulfilling pagmasdan ang bukang-liwayway. mayroon kameng Carolers' Dawn. iyon ay isang maikling programa at parang party na rin ng mga carolers... may pagkain, unan at banig... at siyempre hinihintay namen ang pagsibol ng bukang liwayway... hai... miracle talaga un ni god... nakakawala ng pagod o puyat ang paglatag ng liwanag sa pusikit na gabi (nosebleed ba ito????)... maganda talaga... sana nandun ka... (uhm sino???)
at sa lahat-lahat ng ito, masaya ako sa naging result ng caroling namen... tulad ng sinabi ko noon sa mga ka-caroling ko, im hoping na patuloy pa rin kameng magtataya. ganun lang naman un e: kung nasan ka man, sino mang kasama mo, anu man ang kailangan mong gawen, i-enjoy mo ang experience... sa huli, imbis na magsisi ka, mafi-feel mo ang fulfillment. at iyon ang mahalaga.
[[[*sigh*]]]
Haizell
4:42 AM
and i am back
Tuesday, December 4, 2007
okay.so here's the part where i should say that "i really miss posting", but na-dah! i won't! baket ba? more than a month lang naman... parang cool off lang kame ni blog. anyway.i really want to tell you all that have happened to me during those times when i want to post but i just couldn't, pero sobrang dame niya at bet ko wala nang magbabasa ng post ko... so yung natatandaan ko na lang ngaun... first of all, nais kong i-acknowledge ang taong nakapansin ng hindi ko pag-popost (cheber you people, i know you miss my posts... ayaw niyo lang sabihin...hmmp!) at buong katapangan (ay, may ganon?!) itong sinabe sa akin (very explicit indeed!)... ehem ehem... salamat po... alam kong binabasa mo 'to ngayon... (obvious ba?!)teka, filing ko ang labo ko... sabe ko di ba iaacknowledge ko xa... nabanggit ko ba name nia? naku hindi ata... salamat po mr. cauilan...second of all, hmmp... pagpasenxa nio na kung ganito ang post ko... nasa Maddox ako ngayon at under time pressure... pressure is pushing down on me... like force over area! so please understand...third of all, ang pinakamasaya nga pala noong sem break ay ang aking daily task (mala-Bahay ni Kuya itetch..) ko na magluto... people, im not chimay-chimay naman sa aming tahanan... in fact, i enjoy cooking nga... as in sobra! its like cooking with love at true pala iyon na if you cook for your loved ones, parang part ng ingredient ung love... na super-as-in-grabe-eber-ala-akong-masabe na magic seasoning God has ever given to mankind! dabah! so i think the next question would be about its taste... people, i have customers (che!!!) who can give their testimoniessss of how good it is... wala pa namang na-food poison at nagkaproblema ang tiyan... actually cooking is my frustration... kung puede akong magshift, gusto ko magluto... haha! grabe... kung gusto kong lumipat ng dorm, gusto ko may kitchen na puede paglutuan... puede mo nga akong iwan kahit saan basta may kitchen, may lulutuin at may lulutuan (tao po ito... hindi po ako magluluto sa tao... lulutuan ko po ng pagkain ang tao...lulutuan... a person... not a caldero.. dahh?!) fourth of all, mas naging socially aware na ako sa aking paligid... alam nio ba na sumiklab ang aking pusong makabayan at makatao nang makadaupang-palad ko ang mga isyung noon ay hindi maaninag ng aking kamalayan (DUGOOO!!!! blood transfusion! ay, naku, DUGOO ulit!!!!) in other words, nakita ko ang Sumilao Farmers, ang isyu ng Global Warming, ang need for volunteers sa Gawad Kalinga, ang need to improve the education through ANI at ang being a person for others. na-realize ko lang siguro, mas maraming tao ang kailangan ng atensyon ng mas mapalad na taong tulad ko... parang ngayon habang nagpopost ako, may mga batang lansangan na nanlilimos at walang natulugan... fifth of all, ito siguro ang hardest topic... suddenly, i came to realize na masyado akong selfish... selfish in a sense na hindi ko masyado nakita ang sarili ko as a big part of my environment... labo noh...?! ako rin nalalabuan sa sarili ko e... pero kasi marameng bagay na hindi ko masabe senyo pero lets just put it this way: siguro masyadong umikot ang mundo ko sa isang tao... at nakaligtaan ko ang iba... take note: its not nakalimutan, its nakaligtaan (may vocabulary lesson pa tayo... amazing da bah!!!)... hindi ko masayadong napansin ang beauty and goodness of life dahil may iniisip akong iba, dahil lumilipad lage sa no-where place ang isip ko...malabo talaga... pero im changing na... (how konyo you are ba?!) i promise to be for people na... i mean, mas important kayo keysa sa ibang bagay... mas maganda ang footbridge, and classroom, ang cr, ang mvp, ang tricycle, ang clouds, ang lahat (bago ko sila isa-isahin) keysa sa other stuff... hmmp... i will make intimate (okay.. hindi po ito green... blue po tayo! hahah... hmmp, sino hindi nakagets? kunwari tumatawa? haha!) relationships with people and with my environment... haha! hala anu number na????
Haizell
7:16 AM
listahan
Friday, September 21, 2007
tatlong papel sa filipino.
isang post laboratory report sa organic chemistry.
isang long test sa organic chemistry sa friday.
isang long test (marahil) sa filipino sa thursday.
isang take home long test sa analytical physics.
isang kaibigan na gustong samahan.
isang pusong naghahanap ng sagot.
isang isip na naghahanap ng pahinga.
isang katawan na naghahanap ng exercise.
isang tiyan na naghahanap ng pistachios ice cream.
isang pares ng mata na naghahanap ng sinehan.
isang pares ng tenga na hinahanap ang boses [mo].
isang kalikasang naghahanap ng mangangalaga dito.
isang bansa na kulang ng edukasyon, reporma, kalinisan, katarungan, kadalisayan.
isang mundong kailangan ng kapayapaan.
isang diyos na laging tumatawag.
isang tao.
Haizell
6:36 AM
Laban ng Lahat.
Monday, September 3, 2007
noong unang panahon, walang kalsada. noong unang panahon, walang mga matataas na imprastraktura. noong unang panahon, walang mga magagarbong sasakyan. noong unang panahon, walang refrigirator at aircon. noong unang panahon, walang mga taong nagsusunong ng plastic at basura. noong unang panahon, noong walang technology, noong walang chemical waste, noong hindi pa naiinitan nang sobra ang tao, noong masisipag pang maglakad ang tao, noong hindi pa kailangan ng mga bagay na ginagawa ng pabrika,walang global warming.
ngayon, may mga kalsada. ngayon, may mga fly-over at MRT station. ngayon, may mga pabrika na nagbubuga ng masasamang kemikal sa hangin. ngayon, may mga milyones na sasakyan at may mga kakarag-karag na jeep at bus na magkaiba man ang halaga, pareho namang nagbubuga ng nakalalasong usok. ngayon, bihira na sa mga middle class ang walang aircon at refrigirator. mainit kasi. ngayon, inuubos di umano ang basura sa pamamagitan ng pagsunog nito. ngayon, buhay na ng tao ang technology. ngayon, para na ring tubig na itinatapon ang mga chemical waste. ngayon, may global warming.
hindi naman ako environmentalist. kinalakihan ko pa nga ang pagtatapon ng balat ng pinagkainan kendi sa tabi-tabi lang, tapos magsosorry na lang ako kay Mother Earth at sa mga metro-aid kahit hindi nila ako naririnig. kinalakihan ko ang manaka-nakang pagsasayang ng tubig at pagsusunog ng plastic bag dahil wala akong magawa. kinalakihan ko ang hindi pagmamahal kay Mother Earth, ngunit baket nga ba ako naaalarma?
mainit. oo, sobra ang init at nangingitim ang skin ko. oo, sobra ang init at pinagpapawisan ang bagong-pabango kong damet. oo, sobra ang init at hindi lahat ng room sa ateneo ay aircon. oo, sobra ang init at kailangan lagi na akong nakapayong. oo, sobra ang init at natutunaw ang yelo sa mga bundok sa norte. oo, sobra ang init at unti-unti nang tumataas ang lebel ng tubig sa buong munod. oo, sobrang init at nagbibitak-bitak ang mga lupang dating sagana sa tanim. oo, sobrang init at nauubusan ng oxygen ang mga isdang nagpapakain sa atin. oo, sobrang init at nauubusan na rin ang suplay ng mga palay at bungang-kahoy. oo, sobrang init at mauubusan rin ng kakainin ang mga hayop na pinagkukunan naten ng pagkaing mayaman sa protina. oo, sobrang init at isang araw, maaaring lumubog ang buong Pilipinas dahil sa malawakang pagtaas ng tubig...
first year high school ako noong una kong maintindihan ang salitang global warming at greenhouse effect. "akala ko sa sci-fi movies lang iyon nangyayari." napanood ko pa iyon sa The Day After Tomorrow. akala ko walang masamang epekto ang smoke belching ng mga jeep at bus na nasasakyan ko, maliban sa pangingitim ng kanina lamang ay puting uniporme. akala ko walang masamang epekto ang refrigirator at aircon dahil halos lahat yata ng groceries, bangko, office ng mayor at principal, at mga bahay ng burgis ay mayroong aircon. akala ko hindi ako o ang magiging mga anak ko at apo ko mapapatay ng mga usok na ito, nagkakamali pala ako.
subukan mo ngang tumayo sa EDSA. mapolusyon doon. malanghap mo man ang mga itim na usok, namatay ka ba agad? hindi naman di ba? marahil ito rin ang dahilan kung baket hindi naaalarma ang mga tao sa panganib na dala ng mga usok, kaya baket nga naman sila titigil sa pag-iismokebelching? magpapagawa pa sila ng sasakyan. maghahanap pa ang mga pabrika ng iba't ibang mekanismo para maging ligtas ang usok na ibinubuga nila. gastos na , hassle pa...
e pano kung isang araw, tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa kaunting suplay ng pagkain? ang sobrang yaman, magiging mayaman na lang. ang mayayaman, magiging middle class na lang. ang mga middle class, magiging mahirap na lang. at mga mahihirap, hayun, mamamatay na lang.
e pano kung isang araw, tumaas ang tubig sa mundo? pano kung magising ka na lang na na lumulutang ang kama mo? "pano kung malaman mong nawala na pala sa mapa ng mundo ang Pilipinas?" iyon ay kung malaman mo pa, patay ka na nga di ba?
parang panaginip lang no? parang nag-iimadyin lang ako. parang gumagawa lang ako ng sarili kong istorya para matakot kayo. sana nga ganon na lang. sana nga isang panaginip lang ang lumilitaw na ebidensya ng global warming. sana magising tayo mula sa bangungot na ito at muling mamasdan ang kapaligiran noong unang panahon...
isa akong blogger. isa akong estudyante. isa akong atenista. isa akong anak ni Imelda at Herminio Anore. isa akong anak ng Diyos. isa akong babae. isa akong tao, na lubhang mas mataas ang kaalaman sa mga ibang likha ng diyos na may buhay. at bilang taong naninirahan sa mundong gawa ng diyos at binigyang kulay ng tao, karapatan kong alagaan ang kapaligiran ko.
ang blog na ito, na naglalaman ng mga sentimiyento ko ay hindi lang pala para sa akin. para ito sa mga taong pinahahalagahan ko. para ito sa mundong bumubuhay sa akin. para ito sa mga magiging anak ko. para ito sa 'yo.
"buhayin mo rin ang mundo sa maliliit na bagay tulad nito."
ang pagpapatigil ng global warming ay hindi gawaing pang-indibidwal. ito ay gawaing pangmasa, pangsangkatauhan. subukan naten magmula mamaya na magtipid ng tubig at kuryente. subukan nateng tumulong sa pagpapatigil ng polusyon. magsimula sa sarili naten at isama ang iba. subukan nateng lumikha ng paraan para maitigil ang paggamit ng mga nakalalasong usok. atenista ka di ba? taga-up ka di ba? gumardweyt ka sa isang science high school di ba? ngayon ang tamang panahon para mai-aplay mo ang natutunan mo. ayusin mo ang mundong paglalaruan, pag-aaralan, lalakihan ng magiging anak mo...
"wala man tayong gaanong kapangyarihan at karanasan, atleast masasabi mong sumama ka laban..." Labanan natin ang Global Warming.
Haizell
12:51 AM
........
Friday, August 24, 2007
magsesenti lang ako sandale...sandaleng, sandale lang toh...pagbibigyan ko lang ang sarili ko kc katatapos lang naman ng long test..................................................................................................................................................................................................................."sana mapansin niya rin ako."
Haizell
8:45 AM